Sunday, February 5, 2012

||: Buhay, Kamatayan, Pag-ibig, Pagmamahal



||: "May mga sandaling katulad nito na ang pagharap sa salamin ay pagtitig sa sariling kabaong -- sinusuri ang katawan, ang balat, ang kabuuan. Nakasaksi ako ng maraming kamatayan: pagkaluoy ng bulaklak, pagpiglas ng tangkay ng halaman, pagbagsak ng maya sa lupa.

||: Ngunit paano kung ang pumanaw ay pag-ibig?

||: Binalikan ko ang salamin, ang aking katawan. Hindi ako maaaring mamatay. Sa sarili mismo maunang mabuhay ang pagmamahal..."

No comments:

Post a Comment